Nagpakita ng pagsuporta ang Multimedia Prince na si James Reid para kay Nadine Lustre sa kanyang bagong single na “St4y Up.”

Nag-post si James Reid sa kanyang Instagram account ng album cover ng kanta at nilagay ang credits sa kanta bilang caption.

Ngayong araw din, January 19 nai-release sa digital platforms ang kanta.

Nangunguna na rin ito sa iTunes ilang oras pa lang makalipas ang release nito.

Samantala, naghahanda ngayon ang Jadine para sa shooting nila ng kanilang upcoming film na, “Never Not Love You” sa London.