Muling nagpasalamat ang Multimedia Prince na si James Reid sa natanggap na major awards sa katatapos lang na MYX Music Awards 2018.

Nauna nang nag-tweet si James na nagpapasalamat rin sa kanyang supporters na bumoto para sa kanya at pati na rin sa MYX.

Sa video na ibinahagi ng MYX, nagbigay muli ng kanyang mensahe si James.

Una ay humingi si James ng tawad dahil sa hindi niya pagpunta sa nasabing event. Ayon sa kanya, nagkaroon siya ng bronchitis kaya naman hindi na niya nagawang pumunta.

Nagpasalamat rin siya sa kanyang producer na si Paolo Tiongson kay Petersen Vargas, at kay Boss Vic.

‪#MYXMusicAwards2018 Artist of the Year: @james #MMAs2018 ‬

A post shared by MYX (@myxph) on

Dagdag niya pa, “Thank you for awarding me Artist of the Year. I’m really proud to be nominated alongside such talented performers. It’s truly an honor.

“And thank you again to all the fans who voted. I love you guys.”

Sa isa pang video, binati rin niya si Nadine Lustre para sa pagkakapanalo niya rin sa Music Video of the Year award dahil siya ay nag co-direct nito kasama ni Petersen Vargas.

‪#MYXMusicAwards2018 Music Video of the Year: The Life by @james #MMAs2018 ‬

A post shared by MYX (@myxph) on

 

Ayon kay James, “I need to congratulate Nadine, it wa her first directing job and she did an amazing job. I love working with you.”

 

Sa isa ring video mula sa Viva Artists Agency, muling sinabi ni James ang kanyang pangarap at misyon na maibahagi ang kanyang talento sa OPM.

“I really didn’t expect this one next to such amazing singers but, thank you for the recognition, I really appreciate it.

“I really didn’t make my music for the trophies, it’s just to participate and help evolve OPM so, thank you MYX for supporting that dream.”

Matatandaang si James ay nakatanggap ng four major awards nung gabing ‘yun para sa kanyang album na Palm Dreams.

Siya ay itinanghal na Male Artist of the Year at Artist of the Year. Natanggap niya rin ang song of the year para sa kanta niyang “Cool Down” at Music Video of the Year naman ay para sa kantang “The Life.”

Ang kanyang partner naman na si Nadine Lustre, ang isa sa mga nag-direk ng “The Life” ay nanalo rin ng Music Video Guest Appearance of the Year award para rin sa kantang “The Life.”

Samantala, abangan ang pelikula ni James Reid kasama si Sarah Geronimo, ang “20 Again: Miss Granny,” sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.