Marami ang nakikising-along sa mga hit songs ng Multimedia Prince na si James Reid.

 

Nag-release ito ng bagong single na pinangalanan niyang “16B” noong unang linggo ng buwan na ito.

 

Nagustuhan ng mga fans ang kaniyang album na “Palm Dreams” noong 2017.

 

Ngunit bago pa man magkaroon ng kaniyang sariling music label, atin nang naririnig ang mga kanta ni James kung saan-saan.

 

Isa na rito ang mga songs sa album niyang “Reid Alert” noong 2015.

 

Sa katunayan, mayroong isang Korean boy group na nakapansin sa isa sa mga kanta rito ni James.

 

Pinerform ng grupong OFFROAD ang kanta ni James na “Huwag Ka Nang Humirit” dalawang taon na ang nakakaraan nang sila ay bumisita rito sa bansa.

Panoorin ito dito:

OFFROAD covers James Reid's "Huwag Ka Nang Humirit."#OFFROADinMNL

Posted by Gia Allana Soriano on Sunday, October 16, 2016

 

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 8 million views ang music video ni James ng “HUwag Ka Nang Humirit”.

 

Nagustuhan niyo ba ang version ng OFFROAD ng kantang ito ni James? Ibahagi sa amin sa comments section sa ibaba!

 

Maaaring mapanood si James at ang ka-love team na si Nadine Lustre sa US leg ng kanilang “REVOLUTION: The JaDine Concert” tour sa mga lugar na ito:

May 25 & 26 – Cache Creek Hotel & Casino, Brooks, California

June 2 – Morongo Casino Resort, Cabazon, California

June 8 – Chumash Casino Resort, Santa Ynez, California

June 9 – Mirage Resort & Casino, Las Vegas, Nevada

 

Kita-kits, JaDines!