Sikat na sikat ngayon sa mga netizens at pati na celebrities ang #InMyFeelings challenge.

Ito ay madalas na ginagawa sa labas ng isang umaandar na sasakyan kasabay ang hit song ni Drake na “In My Feelings.”

Ilan sa celebrities na gumawa na ng challenge na ito ay sina Ella Cruz, Julian Trono, at pati na si Bela Padilla.

Sa July 29 episode ng “ASAP Chillout” nagawa ng Multimedia Prince na si James Reid na makisabay sa trend na ito.

Kasama niyang sumayaw ang isang maswerteng fan na tinuruan rin siya kung paano ito sayawin.

Panoorin ang kanilang video rito:

Abangan pa ang ibang Jadine updates!

Samantala, abangan rin ang pelikula ni James kasama ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, ang “Miss Granny.” Showing in cinemas mula August 22.

Kasama rin nila rito sina Xian Lim, Nova Villa, at marami pang iba. Directed by blockbuster director, Bb. Joyce Bernal.