Nagdiwang ang Jadine fans nang dumating ang magandang balita mula sa hugot director na si Antoinette Jadaone.

Nag-post ang director sa kanyang Instagram stories na ang pelikula nina James Reid at Nadine Lustre na “Never Not Love You” ay naimbitahan sa isang international film festival.

Sa oras na ito ay wala pang balita kung saang international film festival natin aabangan ang “Never Not Love You.”

Ipinalabas ang nasabing pelikula dito sa bansa noong March 2018. Ito rin ag pinakaunang pelikula na dinerek ni Direk Jadaone para kay James at Nadine.

Naging magkatrabaho sila dati sa teleseryeng “On The Wings of Love” at “Till I Met You” na parehas na ipinalabas sa Kapamilya network.

Abangan ang iba pang updates!

Samantala, showing pa rin sa mga sinehan ang “Miss Granny” kung saan kasama ni James Reid sina Sarah Geronimo, Xian Lim, Nova Villa, at iba pa, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.